16-anyos binuntis ni kuya, bunso isusunod

SIYAM na buwang buntis na ang isang dalagita na ginawang sex slave sa loob ng dalawang taon ng kanyang sariling kapatid bago nabulgar ang kahalayan nito dahilan para ipadakip ng mga kaanak sa Capiz, sa ulat ng pulisya.

Base sa report ng Capiz PNP, inaresto ng pulisya ang 22-anyos na kinilala sa pangalang Gerry na sinasasbing gumahasa at nakabuntis sa 16-anyos na kapatid nitong si Amor, hindi tunay na pangalan at ilang ulit ding nagtangkang humalay sa isa pang menor de edad na kapatid na itinago sa pangalang Roma.

Nabatid na magkakasama sa bahay ang suspek at mga biktima sa Sitio Marubrob, Barangay Majanlud, Sapian, Capiz at malayang nagagawa ng suspek ang krimen.

Sa imbestigasyon ng Sapian police station, napag-alaman na siyam na buwang buntis si Amor at may dalawang taon nang ginagahasa ng suspek.

Lumalabas pa na matagal nang alam ng ina ng mga biktima ang ginagawa ng suspek ngunit itinago dahil sa pananakot at pagbabanta nito.

Hindi na umano matiis ng mga biktima ang pinaggagagawa ng kanilang kuya kaya napilitan silang lumayas na ikinagalit ng suspek.

Dahil sa pagwawala nito ay nabulgar ng kanilang mga kaanak ang ginagawa niyang kahalayan kaya nagpasya ang mga ito na ipagharap na ng kaso at ipadakip ang lalaki.

Kasunod nito ang pagkakabunyag sa ilang beses na rin na pagtangkang panghahalay sa 11-anyos na kapatid na si Roma.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply