18 eskuwelahan sinuspinde ang klase

LABING-WALONG eskuwelahan ang sinuspinde ang klase ngayong araw dahil sa Pista ng Itim na Nazareno.

Kabilang sa mga eskuwelahang walang pasok ay ang Adamson University, Araullo High School, Apolinario Mabini Elementary School, City Colleges of Manila, Colegio de San Juan De Letran, Far Eastern University Manila, Geronimo Santiago Elementary School, Manila High School, Manila Science High School, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Polytechnic University of the Philippines, Ramon Avancena High School, San Beda  College Mendiola, Unibersidad de Manila, University of the East Manila, University of the East Manila, University of the Philippines Manila, University of Santo Tomas.

Maging ang UP Manila, bagamat nag-anunsyo na nang maaga sa kanilang twitter account na may pasok  ngayong araw, ay sinuspinde na rin  ang klase dahil na rin sa napapaulat na terrorist threat.

Ang FEU Manila ay nag-anunsyo sa kanilang website na suspendido ang kanilang klase at mga opisina maliban sa kanilang facilities at technical services na pangangasiwaan ng kanilang skeletal force. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply