180 kilo ng frozen meat nakumpiska sa Commonwealth Market

NAKUMPISKA ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang may 180 kilo ng frozen meat sa Commonwealth Market sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Ayon sa NMIS, nakumpiska ang mga karne dahil hindi nalagay sa maayos na lalagyan ng mga ito at lantad para sa kontaminasyon ng bakterya.

Nang kumpiskahin ang mga karne, nagkainitan naman ang ilang tindero at operatiba ng NMIS at ikinatwirang hindi ito ilado.

Depensa ng mga tindero, may maayos silang imbakan ng karne, legal at may sapat na papeles ang kanilang ibinebenta.

Paliwanag naman ng NMIS, bukod sa galing sa maling lalagyan ay mayroon ding expired na karne ang patuloy nilang iniimbak.

Aalamin pa kung kontaminado na ang mga ito para madisisyunan kung ido-donate o kailangan na itong itapon. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply