19 bahay nilamon ng apoy sa Davao City

HALOS maabo ang may 19 na kabahayan habang nadamay din ang isang commercial building sa barangay 27-C sa Davao City.

Sa lakas ng sunog, hindi na nagawang iligtas pa ng mga residente ang kanilang mga gamit at pati na ang mga alagang hayop.

Tinatayang nasa P2 milyon ang halaga ng napinsala ng sunog.

Nabatid mula sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), short circuit ang dahilan ng naturang sunog mula sa napabayaang rice cooker.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply