1st batch na Pinoy crew ng tumagilid na cruise ship sa Italy nakauwi na sa bansa

NAKARATING na sa bansa ang nasa 10 porsyento ng 296 Pinoy crew ng tumagilid na luxury cruise ship na Costa Concordia sa Giglio Island, Tuscany, Italy kaninang umaga, Enero 19.

Sa kanilang pagdating, ikinuwento ng ilan na hindi sila ang naunang umalis ng barko at sa halip, tumulong pa silang iligtas ang ilan sa mga pasahero.

May iba namang umaming hindi nila malilimutan ang pangyayari at kumuha pa ng mga pang-remembrance gaya ng isinuot nilang life jacket.

Pawang walang naisalbang gamit ang mga naturang Pinoy na ang ilan ay naka-tsinelas na lamang nang dumating sa bansa.

Una nang tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tatanggap ang mga Pinoy crew ng bayad mula sa kompanyang may-ari ng Costa Concordia cruise ship gaya ng leave pay, sick at injury wages, isang buwang termination pay, bayad sa repatriation expenses at bayad sa kanilang mga nawalang personal na gamit.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply