2 ‘magnanakaw’ arestado sa Cebu

NAHULI ang dalawang umano’y suspek sa pagnanakaw sa loob ng mga hotel at fast food chains sa Cebu City.

Nabatid na arestado sina Edward Tevez at Eric Reyes makaraang makipaghabulan sa mga pulis sa panulukan ng Juana Osmeña at Escario street.

Nasabat din sa kanila ang tatlong baril at laptop computer habang sa sasakyan ng mga ito ay nakumpiska naman ang hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Kasong illegal possession of firearms, theft, carnapping at illegal drugs ang haharapin ng mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply