2 abogado ni CJ Corona umatras na

MATAPOS umatras ang mga abogado ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, dalawa namang abogado sa defense team ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona sa kaniyang impeachment trial ang umatras.

Kabilang sa mga umatras sina dating Court of Appeals Justice Hector Hofileña at Atty. Ernesto Francisco, Jr.

Si Francisco ay isa sa mga lumagda sa pleading na isinumite ni Corona sa impeachment court.

Itinanggi naman ni dating Ateneo law school dean Eduardo delos Angeles na umatras na rin siya sa pagiging abogado ng punong mahistrado pero kinumpirma niya ang pag-atras na nina Francisco at Hofileña sa defense team.

Tumanggi namang magpa-interview si Francisco at magpapalabas umano ito ng statement ngayong Martes.

Ihahayag din naman ng SC ngayong araw ang magiging mga tagapagsalita ni Corona ukol sa impeachment trial.

Sinabi ni SC Spokesman Midas Marquez na bubuin ang grupo ng dalawang lalaki at isang babae pero hindi aniya siya tiyak kung dadalo sa press conference ng mataas na hukuman ngayong araw.

Una nang inihayag ni Marquez na kailangang magkaroon ng sariling tagapagsalita dahil maraming taong ang media at publiko ukol sa trial at iba pang usapin. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply