2 anak ni Corona nakabili ng multi-milyong ari-arian

NABUNYAG kahapon (Enero 26) sa ikapitong araw ng paglilitis sa impeachment case ni Supreme Court Justice Renato Corona na ang anak pala ng chief justice na si Maria Carla Corona Castillo ang siya ring bumili ng La Vista property sa halagang P18 milyon noong Oktubre, 2010 kahit halos P9,000.00 lang ang kita nito noong 2009.

Ito ay matapos na isalang sa witness stand si BIR Commissioner Kim Henares, kung saan binusisi ang mga ari-arian ng punong mahistrado at pati na ang asawa’t anak nito.

Nabatid din sa testimonya ni Henares ang pagbili ng isa pang anak ni Corona na si Charina ng lote sa McKinley Hill sa The Fort, Taguig na nagkakahalaga ng P6.1 milyon noong Oktubre, 2008.

Sa datos ng BIR, wala namang nai-file na ITR si Charina maliban sa one time tax payment sa loteng nabili nito.

Sumailalim din ang BIR chief sa cross examination pagkatapos ng direct examination ng prosekusyon.

Tinanong ni defense lead counsel Serafin Cuevas si Henares tungkol sa kung ano ang kaugnayan nito sa mga Corona gayundin kung sinabihan ba siya ng prosekusyon kung anu-ano ang mga dapat niyang ihayag sa paglilitis.

Sinagot naman ito ni Henares, at sinabi na naging kasamahan lamang niya si Corona ng apat na buwan noon sa SGV habang naging estudyante naman nito ang kanyang asawa sa Ateneo.

Inusisa din ni Cuevas kay Henares ang tungkol sa pagbibigay ng pahintulot ni Pangulong Benigno Aquino III para mailabas ang mga ITR ni Corona at iba pang mga nakasaad sa subpoena, pati ang kaalaman ng BIR chief sa alegasyon patungkol sa SALN at umano’y ill-gotten wealth ng punong mahistrado.

Ang usapin tungkol sa SALN ay kakabit ng usapin sa ill-gotten wealth, ayon sa sagot ni Henares.

Tapos nito, hiniling ni Cuevas na nais niyang ipagpatuloy ang cross examination sa susunod na sesyon (Lunes, Enero 30) dahil kailangan pa niyang pag-aralan ang mga dokumento na naiprisinta na pinagbigyan naman ng korte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply