2 bagets nalunod sa La Union, patay

NASAWI ang dalawang bagets makaraang malunod sa isang beach resort sa La Union.

nakilala ang biktima na sina Genmilyn Matias, 14; at Cecille Asiong, 13-anyos.

Sa imbestigasyon, naliligo ang dalawa sa dagat sa Barangay Bacuit sa Bauang nang malunod.

Agad na isinugod si Matias sa Ilocos Training and Medical Center pero binawian din ng buhay habang narekober naman ng mga tauhan ng PCG San Fernando Station at Bauang Philippine National Police (PNP) ang katawan ni Asiong.

Hinihinalang ang malakas na alon sa dagat ang dahilan nang pagkalunod ng mga biktima

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply