2 bagets pisak sa nabuwal na seawall sa Zamboanga

NADAGANAN ng bloke ng semento ang dalawang paslit habang isa naman ang nasugatan nang mabuwal ang seawall sa Zamboanga City kahapon ng hapon (Martes, Enero 3).

Parehong dead-on-arrival sa ospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na hindi nakuha ang pagkakakilanlan pero ang edad ay 5 at 7-taong gulang.

Nagtamo naman ng sugat sa dalawang paa at isinugod din sa ospital ang isa pang biktima na hindi rin nakuha ang pangalan pero ang edad ay 3-taong gulang naman.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon sa isang seawall na nasa Zone 7, Barangay Ayala, Zamboanga City.

Bago ito, nabatid na naglalaro ang tatlong paslit sa may bandang seawall nang biglang bumigay ito at madaganan ng malalaking bloke ng semento ang mga biktima.

Nakita ng ilang kalalakihan ang pangyayari kaya naitakbo agad ang tatlong bata sa ospital pero isa lamang sa kanila ang nabuhay.

Umapela ang pamilya ng mga biktima sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga na ayusin ang may ilang taon ng seawall para huwag nang maulit ang insidente.

Samantala, sinabi ng pulisya na namamayagpag ang illegal quarrying sa lugar na posibleng dahilan kung bakit ang lupa ay lumambot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply