2 bilanggo timbog habang nagpa-pot session

LALONG nadagdagan ang pamamalagi sa kulungan ng dalawang bilanggo matapos na mahuli ang mga ito sa akto ng isang Jail Officer na nagpa-pot session sa loob ng kubeta ng kanilang kulungan sa BJMP, Del Rosario, Naga City.

Kinilala ang dalawa na sina Carl Mark Perez, 32, at Primo Palomares, 52.

Aktong nakita ni Jail Officer 1 Allan Narvaez ang dalawa na nagpa-pot session matapos magduda ang nasabing jail officer nang pumasok na sabay sa kubeta ang dalawa.

Nakuha sa mga suspek ang droga na pinaghihinalaang shabu at mga drug paraphernalia.

Kaso sa droga ang sanhi ng pagkakakulong ng mga suspek at panibagong kaso uli sa droga ang kahaharapin ng mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply