2 bus nagsalpukan: 1 patay, 39 sugatan sa Laguna

NASAWI ang isa habang umabot sa 39 ang sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa Kilometer 75, Barangay San Agustin, Alaminos, Laguna kaninang umaga, Enero 4.

Nabatid na dead on the spot si Avelino Uria matapos mabangga ang minamanehong Eagle Star Bus na may body number 852 ng isang AB Liner Bus na patungo naman ng Lucena City.

Galing San Pablo City at pabalik na ng Metro Manila ang Eagle Star nang maka-head on collision nito ang AB Liner sa national highway ng Barangay San Agustin.

Tinatayang 33 sa mga sugatan ang sakay ng AB Liner at anim naman ang nahugot mula sa Eagle Star.

Hawak na ng pulisya ang drayber ng AB Liner na si Rodito Calungsod.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply