2 dehado nanalo sa PBA D-League semis

BINULAGA ng Freego Jean Makers ang Cebuana Lhuillier Gems, 57-56, habang tinambakan ng Big Chill ang NLEX Road Warriors, 83-66, sa semifinals ng PBA D-League Aspirants Cup sa San Juan Arena, Martes ng gabi (Enero 24).

Isang tres ni Roider Cabrera sa dying seconds ng laro ang nagpanalo sa Jean Makers. Sa pagkakapanalo ng dalawang dehado sa semifinals ay napipinto na makuha nila ang slot sa finals.

Bumandera naman sa Big Chill si Alex Mallari sa kanyang 25 points kontra sa 19 points ni RR Garcia, 11 ni Cliff Hodge at 10 ni Calvin Abueva.

Muling maghaharap ang Super Chargers at Road Warriors habang tatangkaing makabawi ng Cebuana Gems laban sa Jean Makers sa Ynares Sports Arena bukas (Enero 26). Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply