2 drug den sa Cavite sinalakay ng PDEA

SINALAKAY ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang hinihinalang drug den sa Dasmarinas, Cavite at nadakip ang apat katao kabilang ang dalawang hinihinalang drug pusher kaninang umaga.

Sa isang text message, kinilala ng PDEA ang mga nadakip na suspek na sina Arcelie Dayrit, watchlist/pusher at Luz Olaes, maintainer/pusher Dasmariñas, Cavite at dalawang naaresto habang nasa akto naman ng nagpo-pot session na sina Eddie Sto. Domingo, Gen. Trias at Reylie Penaloza ng Dasmariñas,Cavite.

Ayon sa PDEA, nadakip ang mga suspek sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng korte matapos salakayin ng awtoridad ang lugar ng Summerwind, Salitran 3, Dasmariñas, Cavite dakong 9:00 ng umaga kanina.

Narekober ng operatiba ng PDEA ang mga pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P100,000 halaga ng droga.

Matapos salakayin ang naturang lugar, nahuli naman sa akto ng awtoridad ang dalawang lalaki habang sumisinghot ng droga.

Kasalukuyan ngayon nakapiit ang mga suspek sa PDEA Region-4 at nahaharap sa naturang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply