2 karnaper tigok sa shootout sa Pampanga

NAPATAY ng awtoridad ang dalawang miyembro ng carnaping/robbery syndicate makaraang makipagbarilan sa mga pulis kanina sa Candaba, Pampanga.

Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na sina Romeo “Bong” Guinto na sinasabing lider ng grupo at Joey dela Cruz.

Ang mga suspek ay nagsasagawa ng operasyon sa buong lugar sa Candaba pati na ang operasyon sa iligal na droga.

Batay sa ulat, ang dalawang suspek na dumaan sa checkpoint ng Candaba police ay hindi tumalima nang pahintuin bagkus ay pinaharurot nila ang sinasakyang motorsiklo kaya hinabol sila ng mga pulis.

Napatay ang mga suspek nang manlaban ang mga ito.

Nakuha sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver at isang homemade shotgun na ginamit sa pakikipagbarilan sa mga pulis.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply