2 katao sinuyod ng pampasaherong jeep

INIULAT na nasa malubhang kalagayan ang dalawang commuter makaraang suyurin ng isang pampasaherong jeepney ngayong umaga sa Parañaque City.

Bukod dito, sumalpok din ang pampasaherong jeep na may biyaheng Sucat/Baclaran na may plakang PYE 395 sa isang Isuzu Crosswind na may plakang XBW 957 na nakaparada sa harap ng isang convenient  store sa kanto ng Columbus Avenue, Dr. A Santos Street, ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni Jocel Dela Rosa, traffic investigator ng Paranaque Police, ang insidente ay naganap dakong alas-9:00 ng umaga nang mawalan umano ng preno ang pampasaherong jeep.

Naglalakad umano ang dalawang biktima patawid ng kalsada para sumakay nang biglang salpukin ng sasakyan.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng awtoridad ang kalalagayan ng dalawang ‘di pa kilalang biktima na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply