Magkapatid na-food poison, patay

NASAWI ang magkapatid na lalaki makaraang pinaniniwalaang ma-food poison sa Barangay Sibulao, Zamboanga City.

Base sa pahayag ni Aling Zenaida Arcillas, ina ng mga binatilyong sina RJ at Ramon Arcillas, Disyembre 30 pa nang magsimulang sumakit ang tiyan ng kanyang dalawang anak at dalawang apo.

Nagsusuka rin ang mga ito at nakaranas ng diarrhea.

Dahil sa kahirapan ay hindi na naidala pa sa ospital sina RJ at Ramon.

Kaya’t nung Enero 1 ay namatay na si RJ at sumunod namang binawian ng buhay si Ramon matapos ang dalawang araw.

Nabatid din na isinugod sa Zamboanga City Medical Center ang dalawang apo nito sa tulong ng mga opisyal ng barangay.

Ayon naman kay Zamboanga City Health Officer Dr. Rodel Agbulos, pinasuri na niya ang source ng tubig ng pamilya Arcillas pero negatibo raw ito sa bacteria na posibleng sanhi ng cholera o diarrhea.

Dagdag pa ni Agbulos, tinitingnan nila ngayon ang anggulong food poisoning dahil sa mga kinain ng pamilya Arcillas na posibleng naging sanhi ng pananakit ng kanilang tiyan at pagsusuka.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply