2 minero patay, 8 missing sa landslide

DALAWANG minero ang kompirmadong namatay habang walo ang pinangangambahang kasamang natabunan sa landslide sa Paracale, Camarines Norte kaniang umaga, sa ulat ng local Provincial Disaster Risk Reduction Management Council.

Sa report, naganap ang pagguho bandang 8:00 ng umaga at dalawa kaagad ang namatay na kinilalang sina Christian Banal ng Barangay Mercedes at Budo Villanueva ng Brgy. Dalnac ng nasabing bayan.

Sinasabing pinasok ng tubig ang isang minahan sa bahagi ng karagatan sa Barangay Palanac dahilan upang gumuho ito at matabunan ang mga biktima

Batay sa ulat ng Camarines Norte Provincial Police Office, nagpapatuloy pa ang search at retrieval operations ng lokal na pamahalaan sa lalawigan para sa sinasabing walong katao na natabunan sa pagragasa ng mga bato at putik sa area.

Napag-alaman na kahapon pa ng hapon nagsimula ang pag-ulan na posibleng naging dahilan ng paglambot at pagguho ng lupa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply