2 nagtatagong kabataan isinuko ni Isko

DALAWANG katao ang isinuko ni Manila Vice Mayor Isko Domagoso o mas kilala sa Isko Moreno.

Pinangunahan ni Isko ang pagdadala sa tanggapan ng MPD-Homicide Section kina Mac Riomalos, 20, at isang 15-anyos na si Epoy, kapwa taga Quiricada st., Sta.Cruz.

Ang dalawa ang sinasabing pinag-ugatan sa pagkakapatay sa isang 17-anyos na binatilyo habang nasa kasagsagan ng putukan nitong bisperas ng Bagong Taon sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa kuwento ni Epoy, magkasama sila ni Mac nang sumakay sila ng pampasaherong jeep sa Herrera st. sa panulukan ng Rizal Avenue. Hindi pa man umano sila nakakarating sa kanilang lugar nang magkaroon ng away sa pagitan ng kanyang kasama at ang biktimang si Fernando Mendoza.

Habang nagkakaroon umano ng komosyon sa loob ng jeep, dali-dali umano siyang bumaba saka nagtatakbo siya patungo sa kanilang lugar at dito na siya humingi ng tulong sa ilang ka-lugar na nag-iinuman.

Hanggang sa maganap ang madugong tagpo nang barilin ng sumpak si Mendoza hanggang sa humandusay ito sa semento.

Isang lalaki ang kaagad na nagsugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil  mismong sa tapat lamang ng ospital, nagaganap ang panggugulpi sa biktima.

Sa puntong ito, agad na nagsagawa ng follow-up operation sina P/Supt. James Afalla, Station Commander ng PS. 3 at dito nadakip sina Robert Palacio, 36; Danilo Riomalos, 43; at isang Jacinto Dante, 32, na pawang residente ng Quiricada st., Sta. Cruz, Maynila.

Napag-alaman na nagtungo umano si Isko sa Bulas ,Camarines Sur sa Bicol kung saan ay nagtago ang dalawa at dito umano kusang loob na sumama ang mga ito para isailalim sa interogasyon ng MPD-Homicide Section. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply