2 new commander sa AFP pinangalanan

NAGDAGDAG ng dalawang bagong commander ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa dalawang division nito.

Mapupunta sa Northern Luzon Command na nakabase sa Tarlac si Lieutenant General Anthony Alcantara na kasalukuyang deputy chief of staff ng AFP.

Papalitan niya si Major General Ricardo Banayat na nakatakda namang magretiro.

Si Major General Noel Coballes na siyang division commander ng first infantry division ang papalit kay Lieutenant General Raymundo Ferrer ng Western Mindanao Command na nakabase sa Zamboanga City na magreretiro na rin.

Sinabi ni AFP Spokesperson Arnulfo Burgos na hindi maituturing na demotion ang paglipat kay Alcantara dahil pareho namang three-star general ang dapat mamuno sa mga puwestong pinanggalingan nito at pupuntahan pa.

Si Alcantara ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) class 1979 habang si Coballes naman ay mula naman sa PMA class 1980.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply