2 New Year babies ipinanganak sa Fabella

DALAWANG New Year babies ang ipinanganak sa Fabella Memorial Medical Center sa Maynila ilang minuto matapos ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Nabatid na unang isinilang  ni Jennifer Monton ang kanyang sanggol dakong 12:06 ng madaling-araw kanina (Jan.1) .

Ipinanganak naman ni Maricel Magataw ng Quiapo ang pangalawang New Year baby alas-12:07 ng madaling-araw.

Masayang-masaya naman ang mga magulang ng dalawang New Year babies dahil na rin sa ipagkakaloob sa kanilang mga anak na espesyal na biyaya mula sa opisyal ng  gobyerno  gaya ng pre-need plan at scholarship.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply