2 pang shabu lab sinalakay ng PDEA sa Ayala Alabang

SINALAKAY ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang shabu laboratory kaninang madaling araw sa Ayala Alabang sa Muntinlupa City.

Positibong natagpuan ang tatlong kilo ng shabu at iba pang sangkap at kemikal sa paggawa nito sa loob ng ni-raid na bahay sa Kanlaon Street.

Ayon kay PDEA Director General Jose Gutierrez Jr., tumambad din sa kanila ang kahon-kahon at mga garbage bag na naglalaman ng gamot na Novahist-D.

Aniya, ngayon lang umano siya nakakita ng gamot na naglalaman ng
pseudo-ephedrine na pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu.

Nadiskubre rin ang kaparehong mga kahon-kahong gamot sa pangalawang bahay na sinalakay nila sa Countryside Street.

Aalamin ng PDEA kung paano nakapasok sa naturang village ang mga gamot na sinasabing gawa sa Pakistan.

Rerepasuhin din ng punong barangay ng Ayala Alabang ang mga proseso sa mga pinauupahang bahay doon.

Naniniwala rin silang konektado ang dalawang nadiskubreng shabu lab sa naunang laboratoryo ng shabu na sinalakay ng PDEA noong isang linggo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply