2 patay, 2 sugatan sa grupo ni ‘Junior Bait’

DALAWA ang patay habang dalawa pa ang malubhang nasugatan matapos na muling umatake ang grupo ng “Junior Bait” robbery gang kagabi (Enero 20) sa Tondo, Maynila.

Agad  na binawian ng buhay ang biktimang Romeo Menpin, 52, matapos barilin sa ulo ng suspek na si Ermesto Gutierrez, alyas Junior Bait, leader ng kanyang grupo.

Idineklara namang patay dakong ala-1:00 kaninang madaling araw sa Mary Johnston Hospital ang isa pang biktima na si Myrna Arellano, 40, na binaril naman sa likuran ni Bait.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa nasabi ring pagamutan ang mga sugatan na sina Mark Christian Piamonte, 22, matapos barilin ni Bait nang lumabas sa kanyang  bahay nang marinig ang mga putok ng baril.

Habang sa Jose Reyes Memorial Medical Center naman nakaratay ang isa pang biktima na si Jonardo Domingo, 38, na binaril rin ni Bait sa hita ng tangkain nitong sumunod sa mga naka-motorsiklong suspek sa kanilang pagtakas.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Ramir C. Dimagiba,ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa eskinita ng Coral Extension at Juan Luna Street, Tondo, Maynila habang nagpapahinga sa de-tiklop na upuan ang biktimang si Menpin.

Dumating umano ang anim na suspek na pawang miyembro ng nasabing grupo at isa rito ang humablot sa kuwintas ni Menpin na nagkakahalaga ng P100,000 ngunit nanlaban ito kaya binaril sa ulo.

Lumabas naman umano ng bahay si Arellano upang i-secure ang kanyang apo na baka tamaan ng bala ng barilin din siya ni Bait.

Habang papatakas ang grupo sa lugar ay pinagbabaril naman ang mga taong makita dahilan upang masugatan ang iba pang biktima.

Ayon sa pulisya,na matagal na sa iligal na gawain ang grupo ni Bait pero hanggang ngayon ay hindi pa naaresto.

Nakilala si Bait na siyang namaril sa mga biktima base sa pagsasalarawan ng mga testigo sa lugar na nakakita ng insidente.

Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang pulisya laban kay Bait at sa grupo nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply