2 patay, 24 sugatan sa aksidente

NAMATAY ang isang buntis at walong taong gulang na batang babae samantalang 24, pa ang nasugatan sa naganapo na aksidente sa Negros Occidental.

Batay sa ulat ng pulisya, tinatahak ng pampasaherong jeep ang Barangay Caradio-An sa bayan ng Himaymaylan nang aksidenteng nahulog sa tulay.

Batay sa ulat ng pulisya ngayon,  naganap ang aksidente alas-12:20 ng kahapon ng tanghali (Enero 24) sa Barangay Caradio-An, bayan ng Himaymaylan, Negros Occidental.

Ang dalawang biktima ay naipit sa loob ng sasakyan na naging dahilan ng kanilang kamatayan habang agad namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatan pasahero.

Sa kasalukuyan inaalam pa ng awtoridad ang mga pangalan ng dalawang namatay na biktima pati na ang dahilan ng aksidente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply