2 patay sa rabies

DAHIL sa napaulat na dalawang kataong namatay sa kagat ng ulol na aso ay nagbigay ng  libreng bakuna laban sa rabies ang Provincial Animal Bites Center sa dalawang bayan sa Ilocos Sur.

Ayon kay Dr. Pablo Quedado, director ng PABC, may 32 residente na ang napagkalooban ng libreng bakuna laban sa nasabing kamandag.

Nabatid na dalawa na ang namatay sa rabies kung saan ang isa ay mula sa bayan ng Tagudin at ang isa ay sa bayan ng San Juan, Ilocos Sur.

Mula sa bayan ng Tagudin ay may 19 mga residente ang binakunahan ng anti-rabies habang 13 naman sa bayan ng San Juan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply