2 Pinoy patay sa gumuhong gusali sa Lebanon

KABILANG ang dalawang Pinoy sa 25 na namatay sa pagguho ng isang residential building sa  Beirut, Lebanon.

Ayon sa report, gumuho ang limang palapag ng gusali kung saan may 50  katao ang nakatira na mula sa iba’t ibang bansa.

Kabilang sa mga nasawi ay 10 Lebanese, walong Sudanese, dalawang Egyptians, dalawang Jordanians at ang dalawang Pinoy.

May 12 pa ang nasugatan at may ilan pa rin ang hindi pa nakikita.

Inaresto naman ang may-ari ng gusali na si Michel Saadeh .

Base pa rin sa report, sinabi ni  Interior Minister Marwan Charbel  na hindi pa malinaw ang dahilan ng pagguho ng naturang gusali

Magbibigay naman ng assistance ang Lebanese government na halagang  $20,000 para sa mga pamilya ng mga biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply