2 sundalo timbuwang sa NPA, 1 pa sugatan

DALAWANG kagawad ng Philippine Army ang namatay habang isa pa ang malubhang nasugatan nang mapalaban sa isang pulutong ng mga lawless element na New Peoples Army kaninang umaga sa Cadiz, Negros Occidental.

Kinilala ang mga namatay na sina Pfc Ryan Toledo at Pfc Nazario Buenavides Jr, habang sugatan si Sgt. Alfredo Isidro Jr.

Ayon kay Col. Isabelo delos Reyes, Civil Military Operations Officer ng 303rd Infantry Brigade, nagsasagawa ng security operations ang mga kasapi ng 62nd Infantry Battalion sa Brgy. Andres Bonifacio, Cadiz City, Negros Occidental nang kanilang makasagupa ang mga rebelde.

Tinatayang 20 miyembro ng NPA ang nagtatago sa taniman ng tubo ang nagpaputok sa mga sundalo na nagresulta sa pagkamatay nina Pfc Toledo at Buenavides at pagkasugat ni Sgt. Isidro na agad dinala sa St. Ann Emergency Hospital sa Cadiz.

Ayon kay Capt. Leo Christopher Cunanan, spokesman ng 303rd  Infantry Brigade, Philippine Army nakatanggap sila ng ulat hinggil sa presensiya ng mga rebelde sa area kaya bineripika ito ng mga tauhan ng 62 Infantry Battalion.

Subalit hindi pa gaanong nakalalapit sa itinuturong area ang mga sundalo ay sinalubong na sila ng sunod-sunod na putok mula sa hanay ng mga rebelde.

Hindi pa matiyak ng militar kung may nasugatan sa panig ng mga rebelde mula sa ilalim ng Boy Gatmaitan Command.

Pinaniniwalaan na gumanti ang rebeldeng grupo matapos isang kasamahan nila ang namatay sa engkuwentro noong Biyernes sa Brgy. Camindangan, Sipalay City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply