2 terror ng mga estudyante utas sa engkwentro

KILALANG “terror” ng mga estudyante ang dalawang napatay na holdaper kagabi matapos biktimahin ang isang estudyante ng De La Salle College of St. Benilde (CSB) sa Malate Maynila.

Inilalarawan ni P/Sr. Insp. Joey De Ocampo hepe ng Manila Police District (MPD)-homicide section, ang isa sa suspek na nasa edad 25-30, may taas na 5’4, may tattoo sa tiyan na “Jimenez” at “Outlaw” naman sa dibdib, habang ang kasama naman nito ay tinatayang nasa edad 27-32, may mga tattoo rin sa katawan at kapwa armado ng baril.

Itinago naman ang biktima sa pangalang Anne , 19, estudyante ng College of San Benilde.

Nabatid kay PO3 Ramir Dimagiba,imbestigador ng MPD-hs, puntirya ng mga suspek na biktimahin ang mga estudyante lalo na ang mga nag-aaral sa mga mamahaling eskuwelahan at unibersidad.

Nakuha sa biktima ang bag nito na naglalaman ng cellphone; hard drive na nagkakahalaga ng P5,000, ID, ATM at P3,000 na halaga ng pera na narekober din kalaunan nang rumesponde ang operatiba at makaengkuwentro ang mga suspek.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply