2 UP student na nawala, ilulutang ni Palparan

LULUSOT sa kasong kidnapping at illegal detention si dating major general Jovito Palparan sa oras na lumutang na buhay pa ang dalawang UP student na diumano’y pinadukot ng heneral, ayon sa legal counsel nitong si Atty. Jesus Santos sa isang pagdinig kahapon (Enero 30).

Ayon sa abogado, nakatanggap siya ng impormasyon sa mga sources tungkol dito. Tumanggi naman ang abogado na pangalanan ang pinagmulan ng impormasyon nang tanungin ng prosekusyon sa pagdinig sa Malolos Regional Trial Court Branch 14.

Dininig ng korte ang kaso na isinampa ng Department of Justice laban sa retiradong heneral at dalawang iba pa sa pagkawala ng UP student na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan noong Hunyo 2006.

Totoo man o hindi na buhay pa ang mga nawalang UP student ay kailangan pa ring harapin ng mga akusado ang kaso laban sa kanila sa pagkawala ng mga biktima, ayon kay State Prosecutor Juan Pedro Navera.

Kinuwestiyon din ng Malolos RTC Judge Teodora Gonzales at ng  prosekusyon ang pagharap ni Santos bilang legal counsel ni Palparan gayong ang nakasulat na abogado ng mga akusado ay isang Atty. Narzl Mallares.

Iginiit naman ni Santos na palagi umano silang nag-uusap ni Palparan at pinapayuhan niya itong sumuko na at humarap sa korte.

Binalaan naman ng RTC Judge ang abogado na kakasuhan ng harboring or cuddling a criminal sa pagtangging sabihin kung nasaan si Palparan gayong palagi umano niya itong nakakausap.

Pinagsusumite ng hukuman si Santos ng written conforme na galing kay Palparan na haharap ito bilang abogado ng heneral at binigyan ito ng maghapon ngayong araw ng Martes para isumite ito. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply