20 katao sugatan sa demolisyon sa San Juan

TINATAYANG 20 katao ang sugatan sa demolisyon sa Barangay Corazon De Jesus, San Juan City.

Nabatid na 10 sa mga sugatan ay miyembro ng demolition team, apat ang pulis habang dalawa ay kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP) at apat naman sa mga residente ang ginagamot sa Red Cross San Juan Chapter.

Bago pa man makapasok ang demolition team sa lugar, nagpaulan na ng bato at bote ang mga residente na sinamahan pa ng pillbox.

Gumanti ang demolition team na pawang naka-full battle gear sa pamamagitan ng pagbomba ng tubig sa mga residente.

Nagawa namang mapasok ng demolition team at anti-riot police ang lugar at natuloy ang demolisyon habang pinagdadampot ang mga residenteng nasa likod umano ng kaguluhan.

Dahil dito, 11 ang inaresto ng mga pulis na sinasabing pasimuno ng kaguluhan at dinala sa San Juan City Police station. Kabilang dito ang lider ng mga residente na nanlaban sa demolition team.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply