200 kabahayan tinupok ng apoy sa Iloilo

UMABOT sa 200 kabahayan ang natupok ng apoy matapos na sumiklab ang malaking sunog kasabay ng pagdiriwang ng Dinagyang Festival kagabi (Enero 22) sa Iloilo City.

Base sa report, inihayag ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na nagsimula ang pagsiklab ng apoy dakong alas-6:00 kagabi sa isang pampublikong sementeryo kung saan maraming nakatirang informal settlers.

Ito ay tumagal ng halos anim na oras at idineklarang fire out pasado alas-11:00 kagabi.

Ayon kay Mabilog, maliban sa 200 kabahayang inabo ay 1,155 katao ang naapektuhan sa sunog kung saan apat ang nasugatan.

Mabilis umanong kumalat ang apot dahil na rin sa lakas na hangin na siyang tumatangay sa apoy patungo sa ibang kabahayan.

Pansamanatala namang dinala sa Rizal at Manuel L. Quezon Elementary Schools ang mga apektadong pamilya.

Nabatid na ilang barangay ang nadamay sa sunog  na nagmula sa Tanza-Tinawa Zone 2 sa Iloilo City Proper District at mabilis na kumalat sa Tanza-Esperanza at Malipayon areas.

Inabot umano ng ilang oras ang sunog dahil nahirapan ang mga bumbero na makapasok sa lugar dahil sa kipot ng daan at nasabayan pa ng pagkakasara ng ilang mga kalsada dahil na rin sa pagdiriwang ng Dinagyang Festival. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply