200 OFW sa Syria maililikas na sa loob ng 2 linggo

INAASAHANG nasa 200 overseas Filipino worker (OFW) na nasa bansang Syria ang posibleng mailikas sa loob ng dalwang linggo.

Sa isang press conference kaninang 10:30 ng umaga, ay sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na isinasapinal na ang negosasyon para sa repatriation ng 200 Pinoy worker na inaasahan na makauuwi na sa Pilipinas sa susunod na dalawang linggo.

Ang karagdagang 200 pang OFW ay inaasahan na makauuwi na rin sa mga susunod pang linggo.

Inamin ni Del Rosario na nahihirapan silang mailikas ang mga OFW na nasa mga lugar na sentro ng kaguluhan kabilang na ang Daraa, Homs, Hama at Idlib dahil bawal pumunta roon o makalapit.

Ayon kay Del Rosario, hiningi na niya ang tulong ng foreign minister ng Syria na nangakong kokontakin ang lokal na opisyal doon para tulungan ang mga Pinoy na nais nang makauwi ng bansa.

Binanggit pa ni Del Rosario na umaabot sa $4,000 ang kanilang gastos sa bawat OFW na nais na makauwi ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply