2012, ‘deadliest’ New Year celebration

MISMONG ang Department of Health (DOH) nagkumpirmang ang pagsalubong sa 2012 ang pinaka-deadliest New Year celebration.

Base sa tala ng DOH, apat ang nadagdag na kaso ng naputukan ngayong taon kumpara noong pagsalubong sa 2011.

Simula Disyembre 21 hanggang Enero 4, umabot na sa 1,004 ang bilang ng biktima kung saan 970 ang naputukan, 29 ang tinamaan ng ligaw na bala at lima ang nakalulon ng pulbura ng paputok.

Pero ang higit na ikinagulat ng DOH ay ang pagdagdag pa ng kaso ng mga namatay na umabot na sa apat.

Tatlo rito ang biktima ng paputok kabilang na ang 10 taong gulang na bata sa Cabanatuan na nasabugan ng pinagsama-samang paputok; ang apat na buwang sanggol na aksidenteng tinamaan ng boga at ang 21-anyos na lalaki sa Nueva Vizcaya na naputukan ng “Goodbye Philippines.”

Ang isa pa sa mga namatay ay isang buntis na tinamaan naman ng ligaw na bala habang nanonood ng telebisyon sa Sulu.

Sinabi ni DOH Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, “Eto ang deadliest year kasi inasahan naming ang firecrackers pwedeng makalapnos, makaputol ng kamay at paa, pero ‘di tulad ngayon na talagang marami ang namatay.”

Noong 2009 dalawa lang ang naitalang namatay sa firecrackers habang wala namang namatay sa paputok noong 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply