2012 national budget pinahaharang sa SC

IPINAHAHARANG ni Batangas Rep. Hermilando Mandanas ang 2012 national budget sa Supreme Court dahil sa P500 bilyon na hindi umano nailakip sa computation.

Ayon sa 70-pahinang petisyon na inihain ni Mandanas sa Kataas-taasang Hukuman, sinabi nito na simula 1989 hanggang ngayon ay hindi naisasama ang 40% ng kinolektang buwis ng Bureau of Customs sa ilalim ng National Internal Revenue Tax.

Ang nasabing halaga umano ay nararapat sana para sa Internal Revenue Allotment para sa kapakinabangan ng local government units.

Umaabot na umano sa P500 bilyon ang hindi pa inirelis na IRA para sa mga probinsya, mga siyudad, mga munisipalidad at mga barangay simula pa noong 1992 hanggang 2012.

Marapat lang aniya na tuparin ng national government ang isinasaad sa Konstitusyon at kasalukuyang batas para sa LGUs para sa episyente at mabilisang serbisyo sa mamamayang Pinoy.

Sa pamamagitan umano nito, mapabibilis na rin ang matagal nang hinihintay na pagbibigay-serbisyo, tulad ng health, education, local projects – housing, livelihood, environment protection, infrastructure projects, agriculture, water, calamity and disaster mitigation at iba pa.

Dahil dito, nais pagpaliwanagin ni Mandanas sina Executive Secretary Jojo Ochoa, Finance Secretary Cesar Purisima, BIR Commissioner Kim Henares, Budget Secretary Butch Abad at iba pa sa usapin ng buwis.

Hinihiling din sa petisyon ni Mandanas sa Korte Supreme na magpalabs ng Temporary Restraining Order sa pagrelis ng may P60.75 billion appropriations para sa capital outlay na  kabilang sa 2012 General Appropriations Act (RA 10155).

Sinabi ni Mandanas, dating chairman ng House committee on ways and means na ang sinasabing halaga ay katumbas ng IRA para sa LGUs na hindi na isinali ng National Government sa 2012 GAA.

Ikinatwiran ng solon na mauulit ang maling paggamit ng LGUs para sa national projects kung hindi mahahadlangan ng Korte Suprema ang pagrelis ng P60.75 bilyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply