$21.9-M utang ng SC sa WB kakalkalin na

PINAIIMBESTIGAHAN na ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang maanomalyang paggasta sa $21.9 milyon inutang sa World Bank ng Korte Suprema.

“Ayon sa World Bank, may natuklasan silang kuwestiyunableng pinagkagastuhan ang Korte Suprema gamit ang inutang na pondo sa WB,” ani Evardone.

Batay sa House Resolution 2044, sinabi ni Evardone na umutang ang SC ng $21.9-milyong dolyar o P930.75 milyong piso mula sa WB sa ilalim ng high tribunal’s Judicial Reform Support Project (JRSP) na nakatalagang magsagawa ng mga pagsasaayos at magpanumbalik ng epektibong paggalaw ng hustisya sa bansa.

Batay sa aide memoire ng WB, mula nang manungkulan si Chief Justice Renato Corona noong kalagitnaan ng taong 2010, naging napakabagal ng progreso ng pagrereporma ng hudikatura at tinawag pang “unsatisfactory,” with “implementation delays and additional work required for smooth project closing,” ng WB.

Dagdag pa ni Evardone, binigyan din ng pagtaya na “high risk” and “unsatisfactory” sa ginawang fiduciary review ng WB noong Oktubre 24 hanggang Nobyembre 11, 2011, ang JRSP sa aspetong project management, procurement at financial management, dahilan upang ituring na “di-maaasahan” ang project financial statements.

Ayon pa kay Evardone, lumabas din sa ginawang pag-aaral ng WB ang paggamit ng pondong inutang sa WB para sa foreign travels ng mga hukom at ang pagbili ng mga kagamitan para sa information technology equipment na hindi naman kasama sa napagkasunduan nang mangutang ng pondo ang SC sa WB.

Kabilang sa sinasabing “ineligible purchases,” ang ginasta sa biyahe sa ibang bansa ng mga hukom at ng kani-kanilang mga staff, kasama ang airfare, hotel accommodations at meal allowances, speaker’s fee para sa mga ginawang seminar at registration fee ng mga hukom na dumalo sa international conferences, puna pa ni Evardone.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply