$21-M pautang ng WB sa SC iimbestigahan na

ISINULONG na kanina ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ang House Resolution 2049 para sa kahilingang imbestigahan ng Committee on Good Government and Public Accountability ang iregularidad na kinasasangkutan ng Supreme Court kaugnay sa paglustay sa $21 milyon na laan para sa Judicial Reform Support Project (JRSP) na ipinautang ng World Bank (WB).

Ito ay kaugnay sa napaulat na ipinalabas na aide-memoire na may petsang December 28, 2011 ng WB na “rated  unsatisfactory” ang naging implementasyon ng Korte Suprema sa inutang ng gobyerno para sa JRSP simula ng panunungkulan ni Chief Justice Renato Corona noong taong 2010.

Ang imbestigasyon ng WB task team ay isinagawa noong October 24 hanggang November 11, 2011 kung saan ay inilagay bilang “high risk” and “unsatisfactory” ang project management, project procurement at financial management ng SC para sa pagpapatupad ng nasabing proyekto.

Ang nasabing resolusyon ay isinulong nina BayanMuna Partylist Reps. Teddy Casiño at Neri Javier Colmenares na nagnanais ding masilip ang napaulat na financial report ng WB kung saan ay ang kasalukuyang internal check-and-balance mechanism” ng SC ay may kapalpakan, dahil tanging ang court administrator at siya na ring head ng Public Information Office at chair ng Bids and Awards Committee.

Nagsisilbing SC spokesperson si Jose Midas Marquez, na siyang in-appoint ni Corona para sa nasabing mga tungkulin bilang internal auditing mechanism.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply