23 lugar sa bansa, idideklarang protected zone

IMINUNGKAHI ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pagtigil sa small scale mining sa bansa.

Ito ang sinabi ng mambabatas kasunod ng nangyaring landslide sa mining site sa Compostela Valley province na kumitil sa buhay ng maraming minero.

Ipinaliwanag ni Escudero, karamihan sa mga mining operation na sumisira sa likas na kayamanan ay ang mga mining operations na binibigyan ng permit ng mga lokal na pamahalaan at small scale mining permit lamang ang hinahawakan.

Aniya, ang ganitong uri ng mining operations ay kulang sa supervision, regulasyon at kulang sa kaalaman kaugnay sa tamang pagmina.

Inihayag pa ng senador na mayroon ng 23 na mga lugar sa bansa na inaprubahan na ng Senado upang ideklarang protected areas at mahigpit na ipagbabawal ang anumang uri ng pagmimina rito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply