24-anyos na vendor todas sa menor de edad

HINDI na umabot pa nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 24-anyos na vendor matapos itong pagsasaksakin ng isang menor de edad kaninang madaling araw (Biyernes) sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang biktima ay nakilalang si Bobby De Guzman, may-asawa at taga-1815 New Antipolo St., Sta Cruz, Manila sanhi ng saksak sa katawan.

Nakilala naman ang suspek na si Tito Fernandez, 15, out-of-school youth at residente ng Kalimbas St., Sta Cruz, Manila.

Si Fernandez ay kusang isinuko ng kanyang ina matapos ang isinagawang follow up operation ng Manila Police District.

Sa report ni SPO3 Edmundo Cabal ng MPD-homicide section, dakong 12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kanto ng Leonor Rivara at Blumentritt sts., Sta Cruz, Manila.

Bago ang insidente, nagtalo umano ang dalawa hanggang nauwi sa suntukan subalit dehado ang huli dahil mas malakas ang biktima kaya ito umuwi ng bahay at nagsumbong sa kanyang tatay.

Kinompronta naman ng tatay ng suspek si De Duzman at habang nag-uusap ang dalawa ay biglang sinugod ng saksak ng suspek ang biktima.

Nang bumagsak ang biktima ay umuwi ang suspek subalit isinuko ito ng kanyang nanay nang dumating ang mga rumespodeng pulis.

Sa presinto, idinepensa ng suspek ang kanyang ginawa at sinabing nagdilim umano ang kanyang paningin nang makita niyang sinutok siya ng biktima at madalas umano siyang pinagtitripan.

Dinala sa Cruz Funeral homes ang labi ng biktima para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply