24 todas sa leptospirosis sa Northern Mindanao

MAY 24 katao na ang naitalang namamatay sa sakit na leptospiroris dahil sa pagbaha sa dalawang lalawigan sa Northern Mindanao na hinagupit ng bagyong “Sendong” noong Disyembre.

Base ito sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang update ngayong umaga, sinabi ng NDRRMC na 377 kaso ng leptospirosis ang naitala sa mga ospital sa Region X.

Mula sa naturang bilang ay may 258 ang mula sa Cagayan de Oro City at 119 naman sa Iligan City.

Patuloy naman ang monitoring ng health authorities sa mga evacuatoion centers habang ang nasa Caraga ay ay nagsagawa naman ng consultation at psycho-social assessment at intervention.

Ayon pa sa NDRRMC, naapektuhan ng bagyong “Sendong” ang may 120,233 pamilya o 1,141,252 katao sa may 815 village sa 57 bayan at walong siyudad sa 13 probinsya.

May 5,668 pamilya o 26,473 tao naman ang nasa 56 evacuation centers.

Nananatili naman nasa 1,257 ang sinasabing death toll habang may 6,063 sugatan at 181 pang nawawala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply