25 patay sa landslide sa Compostela Valley

UMABOT na umano sa 25 na katao ang kumpirmadong patay habang 15 ang nasugatan at mahigit sa 150 katao naman ang nawawala sa nangyaring landslide sa munisipalidad ng Pantukan sa Compostela Valley.

Ayon kay Compostela Valley Governor Arthur Uy, partikular na nagkaroon ng landslide sa Napnapan, Pantukan sa nasabing lalawigan.

Patuloy pa ngayon ang search at retrieval operation ng mga awtoridad sa lugar na pinangungunahan ng 701st Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.

Napag-alaman na isa sa pinaniniwalaang dahilan ng pagguho ng lupa sa lugar ay bunsod umano ng pagmimina sa Diat Uno at Diat Dos.

Malaki rin umano ang posibilidad sa nangyaring landslide ang pagtama ng magnitude 3 na lindol sa Davao Oriental kaninang hatinggabi na malapit lamang sa Compostela Valley.

Pero ayon sa pulisya, hindi naman nakaranas ng pag-ulan ang kanilang probinsya at marahil ay ang leak sa nasabing lugar ang naging sanhi ng landslide.

Sa ngayon ay inaalam pa ang tunay na dahilan ng pagguho ng lupa at pinangangambahang papalo sa 100 ang bilang ng mga namatay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply