28 pamilya ng Escalante lumikas dahil sa paggalaw ng lupa

NABAHALA ang ilang residente sa lungsod ng Escalante, Negros Occidental na magresulta ng pagkakaroon ng landslide ang paggalaw ng lupa sa kanilang lugar.

Napilitang lumikas ang may 28 pamilya sa Sitio Balok sa Brgy. Malasibog at sa Barangay Paitan, Escalante City upang  makaiwas sa anumang panganib na idudulot  ng tinatawag na land fissure.

Dahil dito, nangangamba ang mga residente at mga lokal na opisyal na ito ay posibleng magresulta ng landslide kapag bumuhos ang malakas na ulan.

Ayon sa Provincial Disaster Management Program ng Negros Occidental, ang pagggalaw ng lupa sa lugar ay nagsimula umano kahapon ng hapon (Enero 11) kung saan dati na umanong may crack  ang lupa.

Nakatakda namang magsagawa ng physical examination sa lugar sa Biyernes (Enero 13) ang Provincial Environment and Natural Resources, Mines and Geo-Sciences Bureau at PDMP upang mabatid ang sanhi ng paggalaw ng lupa at kung makakapagdulot ito ng panganib sa mga residente sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply