$2B ilalagak ng Japanese investor sa Bagong Nayong Pilipino

LILIKHA ng 15,000 trabaho ang isang Japanese investor matapos pumirma ito sa $2 bilyon na integrated resort project at maging ika-apat na major investor sa Bagong Nayong Pilipino Entertainment Complex sa 45 ektaryang Manila Bay reclaimed area.

Sinabi ng Japan-based Universal Entertainment Corp. na ang proyekto nito sa Manila Bay Resorts ang siyang magiging “next major world-class entertainment, shopping and gaming destination in Asia.”

Ang subsidiary nito na Tiger Resorts, Leisure and Entertainment Inc., ay nagsabi na ang konstruksyon ay magsisimula sa susunod na Pebrero at ang pormal na pagbubukas ay aasahan sa ikatlong bahagi ng 2014.

“Ang entertainment complex ay magkakaroon ng dalawang luxury casino hotels na may 450 at 600 silid… May 1000-room budget hotel na itatayo rin upang mas malawak ang aabuting mga kostumer,”,ayon sa developer.

Ayon sa Universal Entertainment chairman na si  Kazuo Okada, magsisimula ang konstruksyon sa large-scale water fountain at magtutuloy sa iba pang bahagi na kinabibilangan ng isang indoor beach cclub  na nakapaloob sa isang malawak na glass dome/ Magkakaroon din ng mga boutique at outlet malls.

Sinabi rin ni Director-general Lilia B. de Lima ng  Philippine Economic Zone Authority (Peza) na ang Universal Entertainment ay hindi na bagong mamumuhunan sa Pilipinas dahil may pagawaan na ito ng slot machine sa Laguna na magdaragdag pa ng 5,000 na manggagawa.

Magkakaroon umano ng expansion ng 10 ektaryang planta na pagawaan ng slot machine na maglilikha ng indirect na trabaho para sa 80,000 katao kung saan bawat isang manggagawa ay may umaasang limang tao sa bawat pamilya.

Ang mga Hapon umano ang pinakamalaking investorsa 250 economic zone sa bansa at responsable sa 40 porsyento ng pangkalahatang proyekto. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply