3-anyos na paslit minolestiya sa Capiz

SUKDULAN ang galit na nararamdaman ngayon ng ama ng tatlong-taong gulang na batang babae na minolestiya ng kanyang kumpare sa lalawigan ng Capiz.

Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naghain ng reklamo sa tanggapan ng pulisya ang ama ni Jenny (di tunay na pangalan) na si Manong Boyet, laban sa kumpare nito na umano’y nangmolestiya sa kanyang anak nitong nakalipas na Disyembre 31, 2011.

Nabatid na kinuha ng suspek na si alyas “Bulkit” ang anak ng kanyang kumpare at dahil lagi naman nitong kinukuha ang bata ay agad na ipinadala ng tagabantay ang kanyang pamangkin.

Ngunit nang sunduin ng ina si Jenny sa bahay ni “Bulkit” ay nagtaka ito kung bakit umiiyak ang anak.

Sa salaysay umano ng biktima ay inihayag ng bata na hinalikan siya at ipinasok pa ng suspek ang kamay nito sa kanyang ari.

Kasunod nito, ay pina-medical exam ng ina ang bata at lumalabas na ito ay may laceration at namamaga ang ari.

Nabatid na noong aarestuhin na ang suspek ay wala pa itong kaalam-alam na sinampahan na siya ng kasong rape ng kanyang kumpare.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply