3 arestado sa paggawa ng pekeng sedula

Arestado ang tatlo katao matapos maaktuhang gumagawa ng pekeng community tax certificate o sedula sa Sta. Cruz, Maynila.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code (falsification by private individual and use of falsified document) at Article 176 ng RPC (manufacturing and possession of instruments of implements) sina Jayar Mercado,19, Robert de Guzman, 22, at Rhen Galanza, 22, matapos sampahan ng kaso ng Mayor’s Complaint and Action Team (MCAT) ang mga ito.

Ayon kay Ret. Supt.Franklin Gacutan, hepe ng MCAT, naaresto ang tatlo sa isang entrapment operation.

Nagpanggap na buyer ng pekeng sedula ang dalawang tauhan ng MCAT na sina Ernie Gonzales at Randy Samson at nang aktong ginagawa sa computer ni de Guzman ang mga pekeng sedula ay inaresto ito ng mga operatiba ng MCAT.

Nakakumpiska ang MCAT ng may 300 piraso ng pekeng CTC at computers na ginagamit sa paggawa ng pekeng sedula. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply