3 bagong opisyal ipinuwesto sa DOTC

TATLONG bagong opisyal ang ipinuwesto ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga ahensiya na nasa ilalim ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Epektibo noong Enero 2, mula sa pagiging Director for Policy, Formulation and Evaluation Monitoring Service ng Public-Private Partnership Center of the Philippines (PPPCP), si Atty. Al Vitangcol III na ang itinalaga bilang general manager ng Metro Rail Transit Corporation (MRTC).

Itinalaga rin bilang administrator ng Office for Transportation Security si Retired Commodore Roland Recomono habang si Francisco Mendoza naman ang pinakabagong executive director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay DOTC Secretary Mar Roxas, kabilang ang tatlong opisyal sa core team ng mga ahensiya ng kagawaran na tutulong sa pagbuo ng mga plano para maging mas maayos, ligtas at maaasahan ang iba’t ibang uri ng pampublikong transportasyon sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply