3 bata hinihinalang nalunod sa ilog

PATULOY ang search and rescue operation sa tatlong estudyanteng nawawala matapos mahulog sa ilog sa Cauayan City.

Nakilala ang mga nawawala na sina Andrea Maureen Corpuz, 6, at magkapatid na sina Rickson Rasa, 7, at Eric John Rasa, 6.

Nauna rito, nag-alala umano ang mga magulang ng mga bata nang hindi na nakauwi pa sa kanilang bahay mula sa kanilang pagpasok sa paaralan at s akanilang paghahahap ay nakita ang mga tsinelas at bag ng tatlong bata sa lugar.

Hinihinala namang nahulog ang mga bata mula sa kanilang pagtawid sa ilog sa Barangay Dabburab ng nasabing lugar hanggang sa tangayin at tuluyang malunod.

Nabatid na tumulong na rin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Rescue 922 ng lugar sa paghahanap sa mga bata. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply