3 bata na umangkas sa tren sa Luneta nilatigo

NAHAHARAP sa kaso ang isang empleyado ng Rizal Park dahil sa panglalatigo sa tatlong batang sasakay sana sa tren na paikot-ikot sa Luneta park.

Kinilala ang suspek na si Sylvia Prinsepa, attendant sa Rizal Park.

Sa salaysay ng tiyahin ng mga biktima, namamasyal sila sa Luneta kasama ang dalawang pamangkin nang matuwa sa umiikot na tren kaya umangkas ang mga ito.

Pero suntok, palo sa batok at latigo sa ulo gamit ang latigong pangkabayo ang inabot ng tatlo mula sa suspek.

Depensa naman ni Prinsepa, sinasaway lamang niya ang mga bata dahil delikado ang sumabit sa tumatakbong tren.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply