3 holdaper tepok sa parak sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila

TATLONG holdaper ang pinaniniwalaang nakipagbarilan at napatay ng mga pulis sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila.

Unang napatay ng mga awtoridad ang dalawang suspek na nambiktima sa dalawang estudyante ng College of St. Benilde (CSB) sa Kapitan Tikong Street sa Singalong kung saan tinangay ang ang mga bag ng mga biktima at tumakas sakay ng tricycle.

Nabatid na nanlaban umano ang mga holdaper nang makorner ng mga awtoridad sa Kapitan Tikong Street hanggang sa mapatay ang mga ito.

Nakuha sa mga suspek ang kalibre .38 at .22 na ginamit sa panghoholdap.

Samantala, sa Binondo naman ay napatay ng mga pulis ang nakamotorsiklong holdaper sa Muelle de la Industria Street.

Nagpapatrulya ang mga pulis sa lugar nang mamataan at sitahin ang dalawang kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo na walang plaka.

Bubunot umano ng baril ang suspek kaya’t inunahan ito ng putok ng mga awtoridad habang nakatakas ang isa pang hinihinalang holdaper.

Nakuha sa suspek ang paltik na ginamit umano nito sa panghoholdap.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply