3 kompanya kinasuhan sa P30-M smuggled ukay

KINASUHAN na ng Bureau of Customs sa pangunguna nina Customs Commissioner Ruffy Biazon at RCMG Deputy Commissioner at RATS Group head Peter Manzano ang importers at broker ng tatlong iligal na kargamento ng ukay-ukay na nagkakahalaga ng P30 milyon na nasabat ng operatiba ng customs noong Pasko.

Naka-consign ang mga kargamento ng hiwa-hiwalay sa tatlong kompanya ng Heritage Asia Intl. Products, Global Welltrade Trading at Javeson Trading.

Pinangalanan ang mga kinasuhan na sina Ildefonso B. Malagonio, owner/proprietor ng Heritage, importer na nakabase sa  Tondo, si Nanneth M. Pacia; Marilyn T. Anunciacion, may-ari/proprietor ng Global of Dao, Mabalacat, Pampanga, kasama ang kinatawan ng kumpanya na si Carlos A. Torres at ang  broker na  si Janneth M. Pacia; Ed Marvin M. de la Merced, may-ari ng  Javeson Trading ng  Moriones, Tondo  at ang  broker na si Eugenio B. Gardiola.

Ayon kay  Biazon, kakasuhan ang mga importer sa pglabag sa Section 2503 of the Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) at Republic Act 4653 na nagbabawal sa pag-aangkat ng mga damit na kilala sa tawag na ukay-ukay.

Inulit ni Biazon ang pagbabawal sa illegal importation ng used clothing na hindi lamang masama sa kalusugan ng mga tao kundi malaki rin ang epekto sa lokal na produksyon ng mga tela at damit na nagreresulta sa pagbagsak ng kabuhayan ng libo-libong Pilipino na umaasa sa industriya ng tela.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply