3 mag-uutol na tulak at talamak na kotong cops

BIGYAN naman natin ng pagkakataon ang ating mga mambabasa na maihayag ang kanilang mga karanasan, sumbong at kaisipan.

3 mag-uutol na tulak sa Imus, Cavite

Good pm po. Isa po akong masugid na tagasubaybay ng inyong kolum. Dito sa amin sa Bgy. Bagong Anyo, Toclong 1-A sa Imus, Cavite ay matagal nang nagtutulak ng shabu ang magkakapatiad na Gerry, Manny at Esting.

Mukhang hindi pa po alam ng mga pulis kaya hindi sila nahuhuli. Marami po rito ang nagdadala ng nakaw na mga gamit para ipampalit ng shabu. Pati po video-karera ay marami rito at hindi rin po kinikilusan ng kapitan ng aming barangay. Sana po ay mabigyan n’yo ng pansin ang reklamong ito.
Ma-raming salamat. (090914293–)

Reklamo ng residente vs barangay officials

Sir Boyet, good pm po. Reklamo ko lang po ang pamamalakad ng aming brgy. chairman at council dito sa Brgy. 201, Zone 20 sa Kala-yaan, Pasay City. May kapitbahay po akong buntis na humingi ng assistance para madala sa Pasay General Hospital sa pamamagitan ng service vehicle ng barangay pero di po nila pinagbigyan dahil wala raw pong gasolina gayung may budget naman po sila para roon.

Isa pa po, madalas din pong paupahan nila sa mga nagbebenta ng ukay-ukay at clearance sale ang covered court at gym dito sa amin kaya hindi po magamit ng mga tagarito na gustong maglaro ng basketball. Malayo po ang pamamalakad nila sa dating chairwoman namin na si Pinkylyn Francisco na ngayo’y city councilor na. Maraming salamat po! (094714579–)

Kotong ‘cops’ talamak

Good pm po, Sir Boyet. Sana po ay matulungan n’yo kaming mga biyahero ng paninda mula lalawigan ng Quezon dahil bago pa po kami makarating sa Maynila ay lugi na po kami ng malaki dahil sa talamak na pangongotong ng mga pulis, lalo na sa San Pablo at Muntinlupa.

Lahat po ng mobile patrol na nasasalubong namin sa bawat bayan na aming daraanan ay kailangang lagyan, lalo na kung gabi at konti lang ang tao sa kalye. Kung hindi po sila bibigyan, kung ano-anong dahilan ang kanilang ginagawa para lang kami maantala. Sana po ay mai-publish n’yo ito. Maraming salamat! (094976581–)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply